EX-CONVICT SA BAYAN NG ROSALES, TIMBOG SA SEARCH WARRANT IMPLEMENTATION

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang Isang truck driver na dati na din nakulong matapos magpositibo sa ikinasang Search Warrant sa tahanan nito sa bayan ng Rosales.
Ang target ng Search Warrant ay nakilalang si Eric Cascolan, dating nakulong dahil sa paglabag sa RA 9165 at residente ng Carmay East sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Search Warrant Implementation sa tahanan nito pasado alas singko ng madaling araw na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga sumusunod, labing isang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 25k, anim na bala ng Caliber 38, limang bala ng Caliber 45, isang bala ng 9mm Pistol at ibat ibang illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments