Ex-DICT Usec. kinontra ang posisyon ni Sec. Aguda sa Konektadong Pinoy Bill

Sa isang mainit na diskusyon hinggil sa kamakailang ipinasa na Konektadong Pinoy (KP) Bill, binatikos ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Ian Dy ang posisyon ni Secretary Henry Aguda na sumusuporta sa panukalang batas.

Bagama’t kinikilala ang mabuting hangarin ng panukala, nagbabala si Dy na ito ay nakabase sa maling pagkaunawa sa supply chain ng telecommunications at maaaring magdulot ng seryosong panganib kapwa sa industriya at pambansang seguridad.

Ang KP Bill, na naaprubahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ay naglalaman ng isang partkular na probisyon—ang Seksyon 16. Ang seksyong ito ay nag-uutos na ang lahat ng Data Transmission Industry Players (DTIPs), kabilang ang Public Telecommunications Entities (PTEs), ay kailangang i-co-locate at ibahagi ng kanilang infrastructure.

Binatikos ng dating DICT undersecretary, na dating isinulong ang infrastructure sharing upang mapabilis ang operasyon ng industriya at mabawasan ang gastos sa internet, ang probisyon na ito dahil sa pag-oversimplify sa kumplikadong dynamics ng merkado.

Tinukoy niya ang ilang kritikal na kahinaan ng panukala:

1. Hindi Sapat na Regulasyon ng Development Projects: Hindi tinutugunan ng KP Bill ang sobra-sobrang sinisingil ng mga malls at real estate developers para sa telecommunications infrastructure. Maaari nitong pigilan ang PTEs sa epektibong paghahatid ng serbisyo sa mas maraming konsumer.

2 Mahinang Enforcement Provisions: Bagama’t ang Seksyon 16(2) ay nag-uutos sa mga ahensiya ng gobyerno na magpatupad ng mga patakaran para sa pagbabahagi ng in-building data infrastructure, ang mga parusa na nakasaad ay pangunahing nakatuon sa DTIPs. Ang kawalan ng accountability sa mga lessors, developers, at landlords ay maaaring magpanatili sa mataas na singil.

3. International Regulatory Challenges: Ipinaalala na 99% ng internet traffic travels sa pamamagitan ng undersea cables ay pinamamahalaan ng international consortiums, kinuwestiyon ng dating undersecretary kung paano makatotohanang ipatutupad ang Section 16 sa konteksto ng global telecommunications regulations.

4. Potential National Security Risks: Sa nakaambang pagbibigay ng isang dayuhang kompanya ng broadband services sa Northern Luzon, nagpahayag siya ng pagkabahala sa mga implikasyon para sa pambansang seguridad sa ilalim ng
kasalukuyang framework ng KP Bill. Ang koneksiyon ng Chinese-operated fiber network sa local PTE infrastructures ay maaaring magdulot ng panganib sa sensitibong interes ng bansa.

5. Mga Alalahanin sa Satellite Operations: Ang pagluluwag ng regulatory requirements para sa satellite operators sa ilalim ng bill ay maaari ring maglantad sa Pilipinas sa mas malaking security vulnerabilities, dahil ang mga umiiral na orbital slots sa ibabaw ng bansa ay okupado ng foreign entities, na naglilimita sa kontrol ng bansa sa airspace nito.

Bilang pagtatapos, hinimok ni Dy ang Pangulo na muling pag-aralan ang panukala sa kasalukuyang anyo nito. Ayon sa kanya, bagama’t kapuri-puri ang layunin na gawing mas kompetitibo at abot-kaya ang merkado ng telecommunications, hindi natutugunan ng KP Bill ang masalimuot na isyu at security concerns na nakapaloob dito.
Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa mas malalim na pag-aaral bago isapinal ang batas na maaaring magkaroon ng pangmatagalang epekto sa telecommunications industry sa bansa.

Facebook Comments