Thursday, March 19, 2026

Ex-DOT chief Christina Frasco, nanumpa na sa bagong posisyon

Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Ma. Esperanza Christina Garcia-Frasco bilang Presidential Adviser for Sustainable and Resilient Communities.

Ayon sa pangulo, kumpiyansa siyang mapapalakas ni Frasco ang ugnayan ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan, lalo na sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa sustainable development at paghahanda sa sakuna.

Bago ang kaniyang bagong posisyon, nagsilbi si Frasco bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT) mula 2022 hanggang 2026.

Naging alkalde rin siya ng Liloan, Cebu mula 2016 hanggang 2022.

Matatandaang naging kontrobersyal si Frasco kaugnay ng paggamit ng kaniyang imahe sa ilang tourism materials.

Facebook Comments