Ex-DPWH Secretary at Sen. Mark Villar at pamilya nito, pinaiimbestigahan na rin ng DOJ

Pinaiimbestigahan na rin ng Department of Justice (DOJ) si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary at ngayon Senador Mark Villar dahil sa sinasabing bilyun-bilyong pisong proyekto nito sa gobyerno na may conflict of interest.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, mahigit 18 bilyong pisong halaga ng proyekto sa Las Pinas ang nakuha ng isang contractor na pinsan din ng senador.

Samantala, iimbestigahan din ng DOJ ang nasabing contractor kaugnay sa mga nakuha nitong proyekto noong nasa posisyon pa ang senador.

Ayon pa kay Remulla, hindi lang kontrata sa flood control projects ang nakuha ng nasabing kaanak ni Villar pati na rin ang mga gusali, kalsada,paaralan at iba pa.

Dagdag pa nito, kasama sa paimbestigahan ng DOJ ang ina ni Senador Mark Villar na si dating Senador Cynthia Villar at ang kapatid nito na si Senador Camille Villar.

Ayon sa kalihim, patuloy ang kanilang beripikasyon sa mga ulat na kanilang natatanggap patungkol sa pagkakadawit ng nasabing pamilya.

Facebook Comments