Ex-DPWH Secretary Manuel Bonoan, umalis ng bansa ngayong araw —DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na umalis ng bansa si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, bumiyahe patungong Estados Unidos si Bonoan para samahan ang kaniyang asawa na sasailalim sa medical procedure.

Inaasahang mananatili sila sa Amerika hanggang sa December 17.

Nilinaw naman ng DOJ na sa kasalukuyan ay walang legal prohibition o nagbabawal kay Bonoan na bumiyahe sa ibang bansa.

Sa kabila nito, nasa ilalim ng Immigration Lookout Bulletin (ILBO) si Bonoan na isa sa mga kasalukuyang iniimbestigahan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa mga maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), kanina umalis ng bansa si Bonoan at dumaan sa Taiwan.

Facebook Comments