Thursday, January 22, 2026

Ex-DPWH Usec. Roberto Bernardo, protected witness na rin —DOJ

Itinuturing na ring protected witness ng Department of Justice (DOJ) si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang dalhin sa tanggapan ng DOJ si Bernardo para panumpaan ang kaniyang salaysay kaugnay sa anomalya sa flood control projects.

Dumating sina Bernardo sa DOJ pasado alas-10 ng umaga ngayong Huwebes at inaasahang babalik din agad ng Senado sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Kahapon, kinumpirma na rin ni Remulla na itinuturing na ring protected witness sina dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara, dating Assistant Engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.

Bukod sa dating DPWH officials na dawit sa korapsyon at katiwalian, protected witnesses na rin ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Facebook Comments