Muling nahaharap sa kasong Plunder, pandarambong si dating Quezon Governor at ngayon ay Quezon Second District Cong. David ‘Jay-jay’ Suares.
Ito ay matapos ang pagnanakaw umano nang walang pakundangang pagnanakaw ng aabot sa P56.1 milyon sa loob ng 3 taon nitong termino bilang gobernador sa lalawigan ng Quezon mula taong 2010 hanggang 2019.
Bukod kay Suares, kabilang din sa inireklamo ng kasong ng patong-patong na kasong malversation, Failure to Liquidate Funds at paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act ang tatlong mga kasabwat na dating mga tauhan at kawani ng lokal na pamahalaan ng probinsya ng Quezon na kinabibilangan sina dating Provincial Accountant Evangelina Ong, Provincial Treasurer Rosario Marilou Uy, at Provincial Budget Officer Diego Salas.
Ang naghain ng reklamo ay apat na katao na pawang mga residente ng probinsya ng Quezon Leonito R. Batugon, Antonio R. Almoneda, Marie A. Benusa, at Mauro G. Forneste.
Batay sa tatlumpu’t limang pahinang reklamo, kaduda-duda ang serye ng paglalabas ng pondo ng probinsya mula noong 2013 hanggang 2018.
Kabilang sa mga ito ang cash advance sa mga empleyado nito na umabot sa P8.7 milyon noong 2013, P3.4 milyon noong 2014, P1.9 milyon noong 2016, at hindi tumigil dahil P34 milyon pa ang nawawalang pondo ng lalawigan sa kaparehong kaparaanan noong 2017, at P8.1 milyon sa taong 2018.
Giit ng mga complainant, lahat ng mga ito ay hindi pa nali-liquidate at ito ay ilang beses na ring laman ng magkakasunod na audit report ng COA.
Nito lamang buwan ng Nobyembre ay una na ring inireklamo si Suares at nabanggit na tauhan hinggil sa maanomalyang pagbili ng agricultural at marine supplies na aabot naman ng P70 milyon.