Ex-Iloilo mayor Jed Patrick Mabilog, isiniwalat ang umano’y planong pagpwersa sa kanya na ituro bilang drug lords sina dating senador Mar Roxas at Franklin Drilon noong 2017

Isiniwalat ni dating Iloilo mayor Jed Patrick Mabilog ang umano’y planong pagpwersa sa kanya upang idiin bilang mga drug lord ang ilang mga pulitiko na kalaban ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdinig ng House Quad Committee, sinabi ni Mabilog na nadiskubre niya ang plano mula sa isang police general na nagbanta sa kanya na huwag pumunta sa Camp Crame.

“Mayor, do not return; your life is in danger. The accusations against you are all fabricated. But if you go to Crame, you’ll be forced to point fingers to an opposition senator and a former presidential candidate as drug lords.”


Bunsod nito, nagpasya si Mabilog at kanyang pamilya na umalis sa Pilipinas at humiling ng political asylum sa amerika bilang proteksyon mula sa panganib ng sarili niyang bansa.

Nang tanungin ni Abang Lingkod party-list rep. Joseph Stephen Paduano kung sinong mga pulitiko ang tinutukoy ni mabilog, kinumpirma nito na sila ay sina dating senador Mar Roxas at Franklin Drilon.

Nanawagan naman si Mabilog sa Pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng batas sa bansa at pairalin ang hustisya upang mapanagot ang sinumang umaabuso sa kapangyarihan.

“Sana, ang naranasan naming paghihirap na… durog na durog, persikusyon, trauma, at tsaka walang wala ay hindi po mararanasan ng iba at mananaig ang katotohanan at hindi ang pamumulitika o personal na interes ng iilan.”

Facebook Comments