Umani ng batikos mula sa netizens at tinawan na mata-pobre ang ginawang pagtaboy ng accountant mula sa IloIlo na si Irma Lim sa 52 Overseas Filipino Workers (OFWS) sa IloIlo City na na-stranded sa Metro Manila dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Partikular ang naging post ni Lim sa Facebook ng link sa isang article ng Daily Guardian na, “I am not discriminating, but we need to protect our borders. Will these 52 OFWs be subjected to a 14-day quarantine in our city and province? Where will they be quarantined? Our LGU has done a good job in keeping us safe and providing us assistance. With this move, we might experience a drawback if not handled well.”
Ayon sa ilang netizens, walang karapan si Lim na itaboy ang mga OFWs dumaan ang mga ito sa proseso na tinakda ng overseas workers welfare administration (OWWA) sa pamamahala ni owwa administrator hans Cacdac.
Maging ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay tumulong din para maisaayos ang chartered flights para sa OFWs.
Matatandaang si Lim ay naging kontrobersyal din nang makasama nito sidating IloIlo city Mayor Jed Patrick. Mabilog nang ito ay nagpakuha ng litrato na naka “fist sign” noong october 2016 kung saan si Mabilog ay sinasabing kasapi ng liberal party.