Ex-Mayor Guo, ililipat na sa Correctional

Ililipat na anumang araw ngayong linggo sa Correctional Institute for Women o CIW sa Mandaluyong City  mula sa Pasig City Jail Female Dormitory si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, natanggap na nila ang commitment order mula sa Pasig City RTC para ilipat ng pasilidad ang dating alkalde.

Hindi naman nagbigay ang BJMP ng eksaktong petsa at oras kung kailan ililipat si Guo para sa kanyang seguridad.

Pero sasalang muna ito sa medical examination bago ilipat bilang pagsunod sa protocol.

Si Guo ay convicted sa kasong human trafficking.

Facebook Comments