Ex-partner ni Pokwang na si Lee O’Brian, tuluyan nang pina-deport ng BI

Tuluyan nang pina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang dating partner ni Filipino comedian Marietta Subong, o mas kilala sa pangalang Pokwang na si American national Lee O’Brian.

May kinalaman ito deportation case na inihain ni Pokwang laban sa kanyang ex-partner dahil sa pagtatrabaho sa Pilipinas nang walang kaukulang permit.

Sakay ng Philippine Airlines patungong San Francisco, California si O’Brian nang umalis ito ng bansa noong April 8.


Awtomatiko na ring naka-blacklist sa BI si O’Brian kaya hindi na muli ito makakapasok ng Pilipinas.

Una nang ibinasura ng BI ang apela ni O’Brian.

Facebook Comments