Ex-PBA player Dorian Peña, kinasuhan na kaugnay sa paggamit nito ng iligal na droga

Manila, Philippines – May nakitang probable cause ang Department of Justice para kasuhan ang ex-PBA player na si Dorian Peña kaugnay ng paggamit nito ng iligal na droga.

Matatandaang naaresto si Peña kasama sina JP Ampeso at Ledy Mea Vilchez sa isang buy-bust operation sa Mandaluyong City noong May 10 kung saan nakumpiska sa kanila ang dalawang sachet ng shabu, weighing scale at ilang drug paraphernalia.

Maliban dito, nagpositibo pa ang tatlo sa paggamit ng iligal na droga.


Dahil dito, nagdesisyon ang prosekusyon na sampahan ng kasong paglabag sa section 15 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Bukod pa rito ang kasong paglabag sa section 7 ng RA 9165 na isasampa kay Peña dahil sa pagbisita ito sa drug den.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng DOJ panel ang posibilidad na pagsasampa ng kasong sale of illegal drugs kay Peña dahil sa paniniwalang kasabwat siya nina Ampeso at Vilchez nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng NBI.

Una nang sinabi ng NBI na posibleng konektado si Vilchez sa Korean-American drug supplier na si Jun No na umano’y siyang huling nakitang kasama nito bago nakatakas sa East Avenue Medical Center kung saan siya nagpapagaling.

Kinumpirma rin ng intelligence sources sa NBI na si Vilchez ang kasama ni Jun No sa paged-deliver ng droga sa mga kliyente nitong Koreano.
DZXL558

Facebook Comments