Ex-PBA Player Mark Cardona, dinakip matapos saksakin umano ang kanyang ex-girlfriend

Matatandaang noong May 5 ay inaresto ng pulisya ang dating Philippine Basketball Association (PBA) Player na si Mark Cardona matapos niyang masaksak sa kaliwang braso ang ang dating kasintahang si Bianca Nicole Jackes.
Ayon sa ulat ng Makati City Police, nagkaroon ng pagtatalo si Mark at Bianca sa loob ng isang condominium sa Barangay San Antonio, Makati City na naging dahilan umano para masaksak ng ex-PBA Player si Bianca.
Pinabulaanan naman ni Bianca sa pamamagitan ng Instagram noong May 6, na dalawang taon nang hindi sila magkarelasyon ni Mark. Aniya, walang pagtatalong nangyari sa pagitan nila ni Mark. Bigla raw nagpakita ang ex-PBA Player habang may dalang patalim sa lugar ni Bianca kung saan kasama niya ang dalawa niyang anak. Gusto raw makipagbalikan ni Mark kay Bianca ngunit tumanggi siya. Dagdag pa ng biktima ay lango sa droga ang dating kasintahan.
Matapos ang insidente ay nagpapasalamat pa din si Bianca dahil nakaligtas siya sa pangyayaring iyon.

Facebook Comments