“No show” si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Quezon City Prosecutors’ Office sa unang preliminary investigation sa kasong isinampa laban sa kanya ng Makabayan bloc solon.
Sa halip, nagpadala lang ng dalawang abogado ang dating pangulo upang kumatawan sa kanya .
Dismayado naman si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro dahil dapat na personal na hinaharap ni Duterte ang proseso ng batas.
Humihirit ng 10 araw ang mga abogado ng dating pangulo para makapagsumite ng counter affidavit.
Ayon sa mga legal counsel ni Duterte, hindi pa nila natanggap ang subpoena ng Quezon City (QC) Prosecutors Office at ang complaint sheet.
Una nang naghain ng kasong grave threat si ACT Party-list Representative France Castro dahil sa umanoy pagbabanta sa kaniyang buhay ng dating pangulo.
Habang ginaganap ang preliminary investigation, kanya-kanya namang nagpakita ng suporta ang mga militanteng guro kay Castro habang tinapatan naman ito ng Citizens Coalition for Transformation Movement na pro-Duterte .
Muling itinakda ang preliminary investigation sa kaso sa Disyembre 15 ngayong taon.