Ex- Pres. Duterte, pinahaharap sa QC Prosecutors Office kaugnay sa kasong grave threat na isinampa ni Rep. Castro

Pinahaharap ng Quezon City Prosecutors Office si dating Pangulong Rodrigo Duterte para magsumite ng kanyang counter affidavit.

Kaugnay ito sa reklamong grave threat na isinampa ni House Deputy Minority Leader Representative France Castro noong nakalipas na buwan.

Ang subpoena ay may petsang October 27 subalit ngayon lang ito naisapubliko.


Pinahaharap sina dating Pangulong Duterte at Castro sa gagawing preliminary investigation sa December 4 at 11 ng hapon.

Nauna rito, nagreklamo si Castro matapos umanong magbanta ang dating pangulo na papatayin nito ang isang France.

Sinabi ni Castro na itinuturing niya itong seryosong banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments