Cavalier awardee ngayon ng Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming ang dating rebel soldier at dating senador at ngayo’y Department of Information, Communications and Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan.
Si Honasan na tinawag na EDSA Hero makaraang makibahagi sa kudeta noong 1986 laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos pero nabigo naman sa muling pag-aaklas sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino ay ginawaran sa kahusayan sa Public administration.
Si Honasan ay miyembro ng PMA Matatag Class 1971.
Awardee rin ang Mistah ni Honasan na si dating Philippine National Police (PNP) Chief at Senador Panfilo Lacson bilang mahusay sa Public administration.
Kabilang din sa Cavalier awardees ang Mistah ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Gamboa sa PMA Class Sinagtala of 1986 na si Retired General Lyndon Cubos na may huling posisyon sa PNP bilang hepe ng Director for Personnel and Records Management sa kategorya na Staff Functions.
Ang iba pang awardee ay sina:
Romeo Acop ng PMA Class 70,
Cav. Ariston Delos Reyes 71 (Alumni Affairs),
Cav. Bernardo Fabula 85 (Private Enterprise),
Cav. Franco Nemesio Gacal 88 (Command and Administration),
Cav. Joselito Esquivel Jr 88 (Police Operations)
Cav. Charlie Rances 93 (Coast Guard Operations)
Cav. Perfecto Magalong Jr 95 (Air Operations)
Cav. Rowan Rimas 01 (Naval Operations)
Cav. Mark Anthony Ruby 03 (Army Operations)
Ayon kay PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog, host ngayong taon ay ang Classes of 1960 (Diamond Jubilarians), 1970 (Golden Jubilarians), 1995 (Silver Jubilarians), 2000, 2005, 2010, and 2015.