Ex- Rep. Teves, pinayagan magpiyansa sa isang murder case

Pinagbigyan ng korte ang hiling ni dating Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo Teves Jr., na makapagpiyansa sa isa niyang kinakaharap na kaso.

Ito ay sa kasong murder na isinampa kay Teves sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12 kaugnay sa pagpatay sa ilang indibidwal sa Negros Oriental noong 2019.

Sa ruling ng Manila RTC, pinayagan ang pansamantalang paglaya ni Teves kapalit ng P120,000 na piyansa.

Ayon naman sa kaniyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio, may dalawa pang pending na bail petition si Teves.

Pero patunay aniya ito na mahihina ang mga kaso laban sa kaniyang kliyente at politically motivated lamang.

Ang naturang kaso ay iba pa sa kinakaharap ni Teves kaugnay naman sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at 9 pang indibidwal noong 2023.

Facebook Comments