
Nahaharap sa kaso sa Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla at ilang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kaugnay ito sa flood control project sa Pandi, Bulacan na lumabas na ‘ghost’ o guni-guni lamang.
Nitong Biyernes ng hapon nang magtungo sa Sandiganbayan si Assistant Ombudsman Mico Clavano para pangunahan ang paghahain ng kaso laban kina Revilla.
Sabi ni Clavano, sinampahan ang mga ito ng mga kasong malversation of public funds, at paglabag sa anti-graft and corrupt practices matapos makitaan ng matibay na batayan.
Lumalabas na nagsabwatan umano ang mga sangkot upang mailabas ang pondo para sa proyektong hindi naman tuluyang naimplementa.
Inirekomenda naman ng prosekusyon na walang piyansa kaya’t awtomatiko nang makukulong ang mga respondents sakaling maglabas na ng warrant of arrest.










