Romualdez, Co at Sen. Villar, ipapatawag din ng ICI

Kinumpirma ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Executive Director Atty. Brian Hosaka na ipapatawag na rin ng ICI sina ex-Speaker Martin Romualdez, resigned Cong. Zaldy Co at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. at ngayon ay Sen. Mark Villar.

Ayon kay Hosaka, naipadala na ang subpoena kina Romualdez at Co.

Nakatakda na ring imbitahan ng komisyon si dating DPWH Sec. at ngayon ay Sen. Mark Villar.

Inamin naman ni Hosaka na hindi pa kasama si Romualdez sa inirekomenda ng ICI sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para pag-freeze sa mga ari-arian.

Sa susunod na linggo ay dalawang beses na lamang ang magiging hearing ng Komisyon at ito ay kada Martes at Miyerkules.

Kabilang sa muling pahaharapin sa ICI sa susunod na linggo ay ang mag-asawang Discaya at si dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.

Facebook Comments