
Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na walang isinumiteng medical certificate sa ICI si Cong. Martin Romualdez.
Kasunod ito ng hirit ni Romualdez na ipagpaliban ang kanyang susunod na pagharap sa Komisyon dahil sa sasailalim ito sa medical procedure.
Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, nag-abiso lamang ang mga abogado ni Romualdez at hindi rin nito tinukoy ang medical procedure kung saan sasailalim ang dating house speaker.
Samantala, kinumpirma rin ni Hosaka na hanggang ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni dating Cong. Zaldy Co hinggil sa kanilang imbitasyon sa pagdinig.
Iginiit naman ni Hosaka na muli silang maglalabas ng subpoena laban kay Co.
Facebook Comments









