Ex-Speaker Romualdez, handang humarap sa imbestigasyon at mga kaso kaugnay sa flood control scandal

Nananatili ang kahandaan ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na harapin ang mga imbestigasyon at posibleng mga kaso kaugnay sa maanumalyang flood control projects.

Umaasa si Romualdez na magiging patas ang mga imbestigasyon at proseso hinggil dito.

Tiwala din si Romualdez na sa bandang huli ay lalabas at mananaig ang katotohanan.

Ito ay makaraang irekomenda ng Department of Public Works and Highways at Independent Commission for Infrastructure ang paghahain ng mga kasong plunder, graft, at indirect bribery laban kay Romualdez at dating Congressman Elizaldy Co.

Nauna nang sinabi ni Romualdez na malinis ang kanyang konsensya.

Facebook Comments