‘Exam muna bago divorce’ – ipinatupad sa Sichuan, China

China – Isang balakid muna na ang kailangang pagdaanan ng mag-asawang balak na mag-divorce.

Ito ang bagong ipinatupad ng mahistrado ng Sichuan province na si Wang Shiyu dahil napansin niya ang tumataas na bilang ng divorce sa kanilang lugar.

Sabi ni Wang Shiyu, dahil sa divorce exam ay mapag-iisipang mabuti ng mga mag-asawa ang kanilang desisyon.


Hindi naman sinasabi ng mahistrado kung ano ang basehan niya sa pag-check at pag-score ng exam.

Para maaprubahan ang kanilang divorce application, kinakailangang bumagsak muna ang mag-asawa sa divorce exam dahil kung papasa, ay mapipilitan silang ayusin ang kanilang pagsasama.

Facebook Comments