Isusulong ni Education Secretary Sonny Angara na magkaroon ng mga pagsusulit sa paaralan na kapareho ng sa Programme for International Student Assessment o PISA.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni Angara na importanteng mapalakas ang analytical at critical thinking ng mga Pilipino estudyante para maitaas PISA rankings ng bansa.
Kaya nais ng kalihim na baguhin ang kultura sa mga eskwelahan, at pairalin ang culture of assessment at measurement.
Aminado rin si Angara na kailangang pagbutihin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Matatandaang nangulelat sa 2022 PISA rankings ang Pilipinas sa reading, math, at science, gayundin sa kauna-unahang creative thinking assessment na isinagawa sa 64 bansa sa buong mundo.
Facebook Comments