Examinee na nahuling kumuha ng text booklet habang isinasagawa ang CSC exam kahapon, maaaring makulong ng 12 taon

Hindi kukunsintihin ng Civil Service Commission (CSC) ang isang examinee na nahuling kumuha ng test booklet habang ginaganap ang Civil Service Examination sa Region 2 kahapon.

Ayon kay CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada, nagawa pang maipuslit palabas ng isang IT graduate ang test booklet at narekober sa isang comport room.

Inaalam na ng Pulisya at CSC officials kung nakunan ng pictures ng celphone ang test booklet at naipasa sa iba pa.


Hawak na ng mga otoridad ang celphone at nakita na deleted na ang lamang pictures.

Ayon sa legal team ng CSC,sa ilalim ng anti-cheating law itinuturing na nandaya at may katapat na kaparusahan ang mahuhuling sinumang hindi otorisadong may hawak ng examination materials.

Hindi na siya makakapasok sa government service at makakuha ng CSC exam sa hinaharap at maaari pa siyang makulong ng hanggang 12 taon at multa na hindi hihigit sa ₱50,000.

Facebook Comments