Excavation activities ng MMDA, suspendido muna simula November 13 hanggang January 8, 2024

Sinuspinde na muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang excavation activities nito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila simula ngayong araw, November 13 hanggang January 8, 2024.

Ito ay upang hindi magdulot ng abala o matinding traffic ang isinasagawang road reblocking, pipe laying at road upgrading ng MMDA ngayong kapaskuhan.

Exempted naman sa suspensyon ang mga sumusunod:


• Flagship projects ng pamahalaan
• DPWH bridge repair/construction
• Flood interceptor catchment project
• Asphalt overlay projects na walang reblocking works
• Sidewalk improvement
• Drainage improvement projects sa bangketa at hindi nasasakop ang kalsada
• Footbridge projects
• Emergency leak repair o breakage of water line ng manila water at maynilad water services
• Mga bagong water service o electrical service connections
• Road activities na walang paghuhukay
• MERALCO relocation works na nakaapekto sa malalaking proyekto ng gobyerno; at iba pang proyekto na bibigyang permiso ng MMDA.

Samantala, simula bukas, extended hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ang duty ng mga traffic enforcer ng MMDA dahil na rin sa pagsisimula ng adjusted operating hours ng mga mall at shopping centers sa NCR.

Epektibo bukas, November 14 hanggang January 6, bukas ang mga mall ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Facebook Comments