EXCESSIVE WORKLOAD | Grupo ng mga guro, naghain ng mga demands kasunod ng pagkamatay ng 3 guro

Manila, Philippines – Dahil sa pisikal at emosyonal na epekto ng mga excessive workload na wala na kinalaman sa kanilang trabaho.

Naghain ng mga demands ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa Department of Education (DepEd) laban sa mga ‘excessive workload’ na wala nang kinalaman sa kanilang trabaho.

Ayon sa TDC, ang ganitong matinding stress ang nakikitang dahilan ng mga kaso ng dahilan ng suicide o pagpapakamatay ng tatlong guro kamakailan.


Kabilang sa kanilang inilatag na demands ang:

– Agarang pagpapatigil sa implementasyon ng tinatawag na results-based performance management system.

– Pagpapahinto sa implementasyon ng DepEd Order No. 42 o ang paggawa ng Daily Lesson Log (DLL) at Detailed Lesson Plan (DLP) at sa halip ay gamitin na lang ang isang simpleng lesson preparation.

– Ipinapatigil din ng TDC ang pagsasagawa ng on-going class observations, Saturday classes at required meetings.

Hiniling din ng grupo na ipatupad ang 6-hour workday, pagkuha ng personnel na gagawa ng mga clerical tasks at dapat pagbibigay sa kanila ng leave benefits sa buong school year.

Hinihiling din ng grupo ang magandang improvement ang socio-economic condition ng mga guro ng bayan sa pamamagitan ng mataas na sahod at komprehensibong health program kabilang ang mental wellness.

Facebook Comments