Manila, Philippines – Posibleng sumampa sa P53 ang palitan ng piso kontra dolyar bago magtapos ang taon.
Ito ay matapos magsara sa P52.95 ang halaga ng piso kontra dolyar kahapon na itinuturing na pinakamababang antas ng palitan sa loob ng 12 taon.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, lumalakas ang dolyar dahil tumitibay rin ang ekonomiya ng Amerika.
Aniya, maraming investors ang iniiwan ang ibang currency mula sa mga emerging market gaya ng Pilipinas para mamuhunan sa dolyar.
Isang dahilan din aniya ang malakas na pag-import ng Pilipinas para sa mga materyales na gagamitin sa infrastructure projects dahil dolyar ang ginagamit pambayad dito.
Facebook Comments