Manila, Philippines – Kailangan ng panibagong batas para suspendidhin ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ito ang tugon ng Department of Finance (DOF) sa panawagang suspendihin ang train law partikular sa excise tax dahil sa pagtaas ng mga bilihin at produktong petrolyo.
Ayon kay Finance Assistant Secretary at Spokesperson Paola Alvarez, mahihirapan ang gobyernong pondohan ang mga programang ipinatutupad na gaya ng libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCS), umento sa sahod sa mga pulis, sundalo at mga guro.
Paliwanag pa ni Alvarez, may proteksyong nakapaloob sa TRAIN law na maaaring ipatigil ang excise tax sa petrolyo kapag naging 80 dollar ang 3-month average sa presyo ng krudo sa world market.