Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa singil ng kuryente ngayong buwan bunsod ng excise tax.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, posibleng umabot ang dagdag-singil sa P0.92 kada kilowatt hour (kwh).
Aniya, pasok na sa kuwenta ang P0.06 kada kwh na Value Added Tax o VAT sa transmission charge dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Paliwanag ni Larry Hernandez, head utility economics ng Meralco, sobrang baba na kasi ng presyo ng kuryente noong Nobyembre at Disyembre, na bumalik sa normal rate simula ngayong Pebrero.
Aniya, isa rin sa mga itinuturong dahilan ay ang paghina ng piso kontra dolyar noong Enero.
Nanawagan naman ang Meralco sa mga konsumer na maging matipid at masinop sa paggamit ng kuryente.
Sa Huwebes pa nakatakdang ianunsiyo ng Meralco kung magkano ang saktong itataas sa singil sa kuryente sa February Bill.