Manila, Philippines – Simula Pebrero a-dos, may dagdag singil ang Philippine Statistics Authority sa mga dokumentong ire-request sa kanila tulad ng birth certificate, marriage certificate at iba pa.
Ayon sa PSA, magkakaroon ng kinse pesos na dagdag sa bawat opisyal na dokumentong kanilang ilalabas dahil sa epekto ng excise tax.
Dahil dito, mula sa P140 pesos ay magiging P155 pesos na ang singil sa birth certificate, marriage at death certificate.
Magiging p210 pesos naman ang bayad sa Certificate of No Marriage o CENOMAR mula sa dating P195 pesos.
Facebook Comments