Manila, Philippines – Gustong isama ni Senator Manny Pacquiao ang tobacco tax sa senate version ng tax reform package 1.
Sa ilalim ng inihaing Senate bill 1599 ni Pacquiao, madodoble na ang buwis sa mga sigarilyo.
Ibig sabihin magiging P60 na ang kada-kaha na mga sigarilyo mula sa dating P30.
Tataas din ang buwis ng 9 percent,sa halip na 4 percent kada-taon.
Nangangahulugan ito na sa unang taon, ang kasalukuyang isang stick ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P2.50 ay magiging 4 pesos na sa ilalim ng panukala ni Pacquiao.
Sa pagtaya naman ng Action for Economic Reform at ng Sin Tax Coalition na siyang tumulong kay Pacquiao na gawin ang panukala, nasa 50 hanggang 60 billion pesos ang karagdagang kita sa unang taon.
Pero aminado naman si Senator Pacquiao na mahirap ito, lalo na sa mga nahumaling na sa yosi.
Excise tax para sa tobacco products, gustong itaas ng hanggang 100 percent
Facebook Comments