Manila, Philippines – Nagsimula nang tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at auto-LPG dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Bong Suntay, presidente ng mga Independent Oil Players, umakyat sa P28.80 kada litro mula P27.70 ang auto-LPG dahil sa excise tax.
Pero giit ni Energy Director Rino Abad, wala silang alam sa dagdag-presyo dahil wala umanong abiso.
Sa ngayon ay nasa P710 na presyo ng kada regular na tangke ng solane na dating P704.
Mula naman sa P683 noong Disyembre, P691 na ang presyo ng gasul ngayong Enero.
Pumalo din sa P661 ang 11 kilong tangke ng fiesta gas mula sa P653.
Facebook Comments