Aprubado na ng House Committee on Ways and Means ang pagpapataw ng excise tax sa mga inuming alak.
Sa botong 43 Yes at 0 No ay nakalusot ang House Bill 1026 o dagdag na buwis sa mga alcohol.
Nakasaad sa ipinasang panukala na itaas sa P6.60 ang excise tax na ipinapataw sa mga alak.
Kapag naging ganap na batas, magkakaroon ng ad valorem rate na 22% kabilang na ang specific tax rates per proof liter na P30, P35, P40, P45.
Inaprubahan din ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines habang ang aprubadong tax rate sa mga fermented liquors ay itinaas sa P2.60.
Samantala, tinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang may alcohol content na mas mataas sa 14% ay may P4.10 na pagtaas sa buwis.
Agad na inaprubahan ang panukala salig na rin sa House Rule 10 Section 48 kung saan ang mga inaprubahan noong 17th Congress sa ikatlo at huling pagbasa ay mabilis na maipapasa sa komite at agad na iaakyat sa plenaryo.