Excise tax sa petrolyo, pwedeng suspendihin ng Department of Finance at BIR kahit walang bagong batas

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kahit walang bagong batas ay maaring suspendihin ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BI) ang excise taxes sa produktong petrolyo.

Sabi ni Drilon, pinapahintulutan itong gawin ng DOF at BIR sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Pahayag ito ni Drilon sa harap ng patuloy na tumataas na presyo ng langis na nagpapahirap sa publiko.


Dagdag pa ni Drilon, wala namang magdedemanda sa DOF at BIR sakaling suspendihin nito ang buwis sa langis at wala rin itong masasagasaan na anumang karapatan.

Giit ni Drilon, dapat maging liberal ang interpretasyon ng batas lalo nasa gitnang sitwasyon ngayon na kailangang magmalasakit sa mamamayang Pilipino.

Binanggit din ni Drilon na base sa TRAIN Law, pwedeng suspendihin ang excise tax sa langis kapag umabot na 80 US dollars ang presyo ng langis per barrel nangayon ay umaabot na sa US $102 per barrel at inaasahang tataas pa.

Facebook Comments