EXCISE TAX | Senado, paiimbestigahan ang mga pag-abuso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng senado ang umano’y pag-abuso sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng bagong excise tax.

Ayon kay Senate Committee on Energy Chairman Senador Sherwin Gatchalian, nakatanggap siya ng report na may mga grocery store at ilang gasolinahan ang nagsamantala at nagtaas ng presyo noong disyembre gayong hindi pa naipatutupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Aniya, aalamin nila kung tugma sa ipinataw na excise tax ang anumang naging pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.


Aminado naman si Gatchalian na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina, mga pangunahing bilihin at mga serbisyo pero dapat aniya ay minimal o maliit lamang ito.

Facebook Comments