EXCITED | Billy Crawford at Colleen Garcia, todo paghahanda na sa kanilang kasal

Manila, Philippines – Excited at todo paghahanda ang ginagawa ngayon nina Coleen Garcia at Billy Crawford para sa nalalapit nilang kasal sa susunod na buwan.

On-hands ang dalawa sa mga dapat gawin para sa nasabing pag-iisang dibdib nila sa isang beach kung saan intimate outdoor Christian wedding.

Limitado lamang din sa 250 ang bisita mula sa kaanak at mga kasamahan sa trabaho ang imbitado nila Colleen at Billy.


Say ni Colleen, may mga last-minute preparation na sila sa kasal at kinakabahan na rin siya ngayon maging ang kaniyang husband to be na si Billy.

Facebook Comments