EXCITED | Jolina Magdangal, ini-reveal ang pangalan ng kanilang baby girl

Manila, Philippines – Ini-reveal na ng singer-actress-host na si Jolina Magdangal ang pangalan ng pangalawa nilang anak ni Mark Escueta: “Vika Anaya.”

Sa Vlog na ibinahagi ni Jolens sa kanyang YouTube channel noong Martes, makikita ang ultrasound ng kanyang baby girl.

Tuwang-tuwa naman ang aktres dahil bukod sa healthy ang baby, achieve na achieve din daw nito ang matangos na ilong at ‘yung favorite niyang baba.


Say ng 39-year old actress, answered prayer ang pagkakaroon nila ng second baby lalo’t matagal nila itong hinintay.

Sa Mayo inaasahang manganganak si Jolina.

Facebook Comments