EXCLUSIVE | Kaanak ng Pinay OFW na ibinenta sa iba’t ibang amo sa Saudi Arabia, nagpasaklolo sa RMN DZXL Manila

Manila, Philippines – Humingi ng tulong sa RMN-DZXL Manila ang kaanak ng Pinay OFW na Umano ay ilang beses na ibinenta ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Kwento ng kapatid ng OFW na si Ada Cariño – February 2017 nang mangibang bansa si Diwata Cariño Egay pero sinasaktan, hindi pinapakain at late siya pasahurin ng kanyang amo.

Ganito rin ang naging karanasan ni Diwata sa naging pangalawa niyang amo kung saan siya ibinenta ng una niyang amo sa Saudi.


Matapos ang Ramadan, balak raw ng pangalawang amo ni Diwata na ibenta ulit siya sa iba.

Dahil sa takot, nagtangka siyang tumakas pero nahuli siya ng kanyang amo.

Simula noon, nawalan na ng komunikasyon si Diwata sa kanyang pamilya dito sa Pilipinas.

Sinubukan nilang lumapit sa agency ni Diwata dito sa Pilipinas pero napag-alaman nilang ipinasara ito dahil iligal at walang lisensya.

Nakausap naman ng DZXL 558 si DOLE Sec. Silvestre Bello III at nangakong tutulungan si Diwata na makauwi sa bansa.

Facebook Comments