Exclusive: P200,000 REWARD!

Manila, Philippines – Maglalaan ng P200,000 pabuya ang pamahalaang lungsod ng Gapan, Nueva Ecija sa sinumang makakatulong sa imbestigasyon ng kaso ni Reynaldo de Guzman na natagpuan sa kanilang bayan.

Sa exclusive interview ng RMN kay Gapan, Nueva Ecija Mayor Emerson “Emeng” Pascual, umaasa itong mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng 14-anyos na bata.

Naniniwala ang alkalde, na maaring dinala lamang sa Gapan ang bangkay ni de Guzman para malihis ang imbestigasyon.


Samantala, sinabi ni Mayor Pascual na nagkasundo kagabi ang PNP at National Bureau of Investigation, na ang nbi na ang magsagawa ng autopsy sa bangkay.

Nabatid na sinagot na ng alkalde ang gastos sa punerarya at nagbigay ng konting pinansyal tulong sa magulang ni de Guzman.

Facebook Comments