Manila, Philippines – Pawang kasinungalingan ang mga pahayag ng Executive Committee ng National democratic front of the Philippines o NDFP.
Ito ang reaksyon ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.
Matapos lumabas sa website ng NDFP na pinaplano ng US Central Intelligence Agency at Armed Forces of the Philippines ang pagpatay kay CPP-NDF founding chairman Jose Maria Sison at pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni General Padilla ang mga pahayag na ito ng NDFP ay pawang mga propaganda lamang.
Layunin lamang daw ng grupong makakuha ng simpatya sa publiko o hindi kaya ay upang isulong ang kanilang anti-US sentiment.
Facebook Comments