Kumbinsido si Senador Panfilo Lacson na ang executive committee sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mismong “mafia” sa ahensya.
Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na base sa pagdinig ng Senado, lumalabas na nasa execomm ang nagmamaneobra ng lahat kabilang ang pag-operate sa pondo ng PhilHealth maging ang nangyayaring overpricing.
Aniya, ang execomm sa central office ang naghahanda ng masterlist ng mga ospital na unang makakatanggap ng pondo sa ilalim ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM) base na rin sa naging testimonya ng ilang PhilHealth regional vice presidents.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Lacson palakasin ang board ng ahensya at bawasan ang kapangyarihan ng execomm.
Inirerekomenda rin aniya ng Senado na makasuhan si PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang high-ranking officials kaugnay ng mga iregularidad sa ahensya.
Kabilang sa mga kasong inirekomenda ng Senado ay malversation, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, paglabag sa National Internal Revenue Code at perjury.