
Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagbitiw na sa pwesto ang Executive Director ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) na si Herbert Matienza.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, pormal itong nagbitiw sa puwesto kahapon September 3 dahil sa ‘personal reason’.
Matatandaang, naglabas ng statement ang ahensya na bubusisiin nilang mabuti ang lahat ng 9 na contractor firm na pagmamay-ari ng pamilya Discaya na una nang binawian ng lisensya ng PCAB.
Facebook Comments









