EXECUTIVE MOTORCYCLE RIDING COURSE PARA MASAWATA ANG MOTORCYCLE RIDING CRIMINLAS, ISINAGAWA NG PRO1

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Pinaigting pa ng Police Regional Office 1 ang kampanya ng mga ito laban sa Motorcycle Riding Criminals kahit pa sa gitna ng pandemya, ito ay kasabay ng pagbubukas ng Executive Motorcycle Riding Course na ginanap sa PRO1 Grandstand.

Ang naturang Executive Motorcycle Riding Course ay dinaluhan at nilahukan ng abot sa tatlumpot tatlong Police Commisioned Officers na lahat ng mga ito ay nakatalaga sa PRO1 head quarters habang may apat ding sibilyan ang lumahok.

Nakilahok din PBGEN Emmanuel B. Peralta, Regional Director ng PRO1, at nanguna din sa ceremony at reception rites nito.


Naging panauhing pandangal naman si Architect Lionick T. Peralta, na kung saan binigyang diin nito na dapat umiral ang disiplina at ang pagsunod sa traffic rules and regulations at ang pagrespeto sa pwersa ng kapulisan.

Bukod umano sa layuning sanayin ang pwersa na mapagbuti pa ang defensive driving ng mga ito, bahagi rin ito ng priority action naman ng PRO1 dahil sa maituturing isang hakabang upang mabilis na makapagresponde at mapuksa ang mga krimen na may kinalaman sa riding in tandem maging ng masasamang loob at upang masawata rin ang aktibidad dito sa Region 1.

Ibibigay pa umano sa mga pulis ang pinakamahusay na traning at upang maging epektibo sa pagtupad sa kanilang tungkulin.###

Facebook Comments