Executive officer ng barangay, patay sa pamamaril sa Las Piñas

Manila, Philippines – Patay sa pamamaril ang isang executive officer ng barangay Almanza Dos sa lungsod ng Las Piñas.

Dead on arrival sa ospital ng muntinlupa ang biktima na si Dindo Accompanado.

Batay report ng *Las Piñas *police, si Accompanado ay nasa listahan ng kanilang top 10 high value target.


Nangyari ang pananambang sa may TS Cruz Subdivision ng kung saan apat na di pa kilalang kalalakihang sakay ng dalawang yamaha black mio ang bumaril sa biktima sa ibat ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pagpatay.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments