EXECUTIVE ORDER | Barter trade system sa Mindanao, binuhay ni PRRD

Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Trade and Industry na pangasiwaan ang pagbuhay sa Barter Trade sa Mindanao.

Sa inilabas na Executive Order Number 64 na nilagdaan ni Pangulong Duterte ay inaatasan ang DTI na buhayin ang barter system at magtatag ng Mindanao Barter Council na mapupunta sa pangangasiwa ng DTI.

Sa pagbuhay ng tinatawag na ancient commercial practice ng mga taga Mindanao ay inatasan din ang DTI na maglagay ng Principal office para sa Barter System o Barter Trade sa Jolo Sulu.


Base rin sa EO, ay magtatayo ang gobyerno ng barter ports sa Suasi Jolo, Bongao sa Tawi-Tawi na subject for approval parin ng Pangulo.

Ang mga accredited traders lamang din ang makapagpapasok ng mga produkto sa mga itatayong barter ports sa mga nabanggit na lugar.

Facebook Comments