Executive order, kontra online sexual abuse sa mga bata, nakatakdang ilabas ng Malacañang

Nakatakdang maglabas ng Executive Order ang Palasyo ng Malacañang para sa pagpapalakas ng kampanya ng pamahalaan laban sa online sexual abuse and exploitation on children.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Justice Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano na isinumite na nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lalamanin ng ilalabas na kautusan.

Pag-aaralan aniya ito ng Pangulo at sa oras na ma-aprubahan ayagad na ipatutupad ang programa kontra child abuse.


Ayon kay Clavano, layunin ng ilalabas na EO na masugpo ang online sexual abuse sa mga bata at tulungan silang makabalik sa normal na pamumuhay at mabigyan ng proteksyon laban sa mga kriminal sa social media.

Lumabas din aniya sa pag-aaral ng United Nations na isa sa sampung mga kabataan ay biktima ng sekswal na pang-aabuso bago pa man ito humantong sa labing walong taong gulang.

Facebook Comments