Executive Order na lilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission, nilagdaan na ni Pangulong Rody Duterte

Manila, Philippines – Pormal nang nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Executive Order 43 na lilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission.

Kabilang sa magiging trabaho ng komisyon ang pagsaagawa ng lifestyle check at fact-finding inquiries sa lahat ng presidential appointees at public officers.

Kabilang din dito ang pagtanggap ng mga reklamo, pangangalap ng mga ebidensya, pag-evaluate ng mga ebidensya, impormasyon at intelligence reports laban sa presidential appointees sa Executive Branch at sa lahat ng mga tauhan ng mga ahensya ng gobyerno.


Maari ring magrekomenda sa Pangulo ang komisyon ng preventive suspension sa mga makakasuhang tauhan ng gobyerno.

May kapangyarihan din ang komisyon na magpalabas ng subpoena sa mga government personnel at records.

Magiging epektibo ang operasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission labing-limang araw pagkatapos ng publication nito.






Facebook Comments