Executive Order na magbabawal sa pangangaroling, inilabas na ng MMC

Naglabas na ng Executive Order (EO) ang Metro Manila Council (MMC) na magbabawal sa pangangaroling sa darating na Pasko sa Metro Manila para makaiwas sa Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, maging ang mga Christmas party sa mga pampublikong opisina ay kasama sa mga sususpindihin.

Hinimok naman nito ang mga pribadong sektor na ipagpaliban ang mga Christmas event.


Sa ngayon, sinabi ni Olivarez na bubuo sila ng task force na magbabantay sa no-caroling policy na kinabibilangan ng mga village official at iba pa.

Samantala, tinaasan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang papayagang kapasidad sa mga shuttle service ng mga kumpanya para sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa IATF, papayagan na ang one-seat apart sa mga shuttle service maging ang full-seating capacity basta merong divider o harang sa bawat pasahero.

Mahigpit namang ipapatupad ang health protocol sa bawat pasahero tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Sa ngayon, inatasan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Department of Trade and Industry (DTI) na magpalabas ng abiso hinggil dito.

Facebook Comments