Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 28 para sa regulasyon at kontrol sa paggamit ng mga paputok.
Sa section 1 ng nasabing EO, tanging mga community fireworks display na lamang ang papahintulutan na dadaan muna sa Local Government Unit para sa permit na pangangasiwaan naman ng Philippine National Police.
Ibig sabihin, tanging mga lisensyadong indibidwal na lang ang maaaring magpaputok sa tuwing may okasyon gaya ng pagsalubong sa bagong taon.
Layon ng EO na mabawasan at hangga’t maaari ay maiwasan ang kaso ng pagkamatay dahil sa pagpapaputok.
Nakatakda ring makipagtulungan ang PNP sa DILG, DENR, DOH at Bureau of Fire Protections para sa bubuuing Implementing Rules and Regulations.
Magsasagawa rin information campaign para rito.