Executive Order na nagdedeklara ng Public Health Emergency sa bansa, pirmado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na nagdedeklara ng Public Health Emergency hinggil sa COVID-19 outbreak.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo – ilalabas niya ang kopya ng EO sa kaniyang press briefing.

Sa ilalim ng State of Public Health Emergency – pwede aniyang kontrolin ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pwedeng bumili ng medical equipment nang hindi na sasailaim sa bidding process.


Tiniyak naman ni Panelo na walang magaganap na korapsyon kapag bumili na ang pamahalaan ng mga suplay nang hindi dumadaan sa bidding.

Matatandaang una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na sa ilalim ng State of Public Health Emergency, walang sinuman ang pwedeng tumangging sumailalim sa quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments